vilma at luis copy

ILANG pelikula na rin ang ginawa ni Batangas Gov. Vilma Santos na gumaganap siya bilang ina na may nagrerebeldeng anak. Sa Bata,Bata… Paano Ka Ginawa at sa Anak, ang role ni Ate Vi ay martir na ina ng nagrerebeldeng mga anak.

Pero napakaganda ng revelation sa presscon ng Everything About Her na naranasan din niya ito sa tunay na buhay, sa isang kabanata ng pagiging mag-ina nila ng kanyang panganay na si Luis Manzano.

Ang kanyang pagiging tunay na ina ang biggest role ni Ate Vi sa buhay.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Oo naman, as a nanay dinadaanan mo ‘yung stage na ‘yan kasi ang mga ugali ng isang anak nagbabago. Akala mo one to four (years old) okay, o four to ten okay din. Pero pagdating ng edad 13, 17 umiiba sila,” prangkang pag-amin ng premyadong actress/politician.

Saksi mismo, aniya, ang ilang press people sa mga pinagdaanan nilang mag-ina (Luis at Vilma).

“Alam naman nila Manay (Ethel Ramos) ‘yan, no’ng time na may pinagdadaanan si Lucky. ‘’Yoko ‘to, dito ako…’ ‘yung nagiging emosyonal, ‘yung time na medyo nagloloko-loko ang anak kong si Lucky.”

Nagpahayag ng pasasalamat si Ate Vi sa mga press people na sa halip na isulat ang rebellious side ni Luis noon, sila pa ang nagpaparating kay Ate Vi kung ano ang ginagawa at kung nasaan ang anak.

“Imbes na tirahin ang anak ko, sila pa ‘yong nagsusumbong sa akin. ‘Andito ‘yong anak mo. Lasing ‘yong anak mo.’ So kino-confront ko ‘yong anak ko. ‘Ano’ng nagyayari sa ‘yo? Bakit ganyan?’ I mean, halos lahat nasa sa ‘yo, nag-aaral ka sa best school and yet...

“Ang nakakagulat lang, I think when he was 18, sasagutin ka ng anak mo na, ‘Because I don’t know what I want in life.’ ‘Yun ang sinasabi ko na with Lucky and Ryan, may stages na nanay ako… kasi liberal akong nanay, I could be a friend, barkada lang. Pero may oras na nanay ako, kino-confiscate ko CP ‘pag sobra-sobra na.” 

Mabuti naman daw at hindi natutong mag-drugs ang anak..

“Pero may (panahon) na naranasan din niya na uminom, nagkaroon ng masamang barkada. But look at Lucky now. The good thing is he was able to survive by himself, of course with the guidance of his parents and I’m proud of Lucky now,” pagmamalaki pa ni Ate Vi. (ADOR SALUTA)