Tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na may mga naghihintay na trabaho at oportunidad sa pagnenegosyo para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nagbabalik sa bansa sa dahil sa mga tensiyon sa Middle East.

“Career opportunities are a plenty in the Philippines. And if a returning OFW opts to engage in business, that is welcome because that is more potentially rewarding. The government, through the DoLE (Department of Labor and Employment), can help through our livelihood programs,” pahayag ni Baldoz.

Binanggit ni Baldoz ang mga trabahong ipinaskil ng mga employer sa PhilJobNet at pamahalaan, kabilang ang 30,000 bakanteng posisyon ng guro sa Department of Education, 15,000 nurse para sa mga pampublikong ospital, tulad ng iniulat ng Department of Health. Mayroon ding 90,000 bakante sa ibang bansa sa alternatibong mga merkado mula sa mga job order ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA). (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?