Inihayag kahapon ng Agus Pulangi Power Plant na ang pagbaba ng tubig sa planta ang nakikitang dahilan ng brownout sa buong South Cotabato.
Nakararanas ng kakulangan sa tubig ang Agus Pulangi Hydro Power Plant na nagsu-supply ng kuryente sa South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO)-1.
Sinabi ni SOCOTECO 1 General Manager Santiago Tudio na simula pa noong nakaraang linggo ay nagpapatupad na ang kooperatiba ng curtailment dahil sa kakulangan ng supply ng kuryente.
Dahil dito, inihayag ng kooperatiba na magpapatuloy ang rotational brownout sa lahat ng nasasakupan ng SOCOTECO 1.
(Fer Taboy)