MAY ilang buwan na rin ang tuluy-tuloy na pagbulusok ng presyo ng gasolina, diesel, gaas at kung anu-ano pang produktong petrolyo. At noon lamang nakaraang linggo, nag-rollback ang diesel ng piso at kuwarenta sentimos at piso naman sa gasolina. Dahil sa sunud-sunod na pagbaba ng presyo ay labis na ikinasiya ng mga driver ng mga pampublikong sasakyan, mula taxi at bus maging mga tricycle. Hindi na dumaraing ang mga driver at operator. Ngunit patuloy pa rin ang pagdaing ng madlang pipol at ng mga pobreng mananakay.

Hindi nila nararamdaman ang pagbaba ng presyo ng petroleum products. Ang nakadarama lamang ay ang mga may ari ng sasakyan na gumagastos ng gasolina. Ang pasahe ay ganoon pa rin. Sa taxi, hindi ibinababa ang flag-down rate at maging sa mga bus ay ganoon din.

Ang mga bus na bumibiyahe sa kung saan-saang probinsiya patungong Maynila ay hindi nagbabago ang pasahe. Ang mga mini-bus at dyip sa mga probinsiya ay hindi nagbabago ang pasahe. Ang singil sa mga tricycle ay mahal pa rin.

Tila sila lamang ang mga “Pinagpala ng Diyos!” Sila lamang ang dinidinig at tinutulungan ng Maykapal. Bakit ganoon?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nasaan ang pagkukulang?

Ang mga bilihin ay hindi bumababa. Maging ang mga produktong nakikinabang sa pagbaba ng gasolina ay patuloy sa kasalukuyang presyo at kung mamalasin ay tumataas pa. Sino ang maysala?

Dapat siguro itong pag-aralan ng Department of Trade and Industry (DTI). Pero parang nakakatulog ang departamentong ito. Wala silang aksiyon. Matutulog na lamang ba sila sa kanilang pagkakaupo at pagkuyakoy sa kanilang mga silya at maghintay ng suweldo?

Kung sabagay, kumilos man ang DTI at mag-utos ay tila hindi pinakikinggan. Tila binabale-wala, kaya kung minsan sa halip na sisihihin ang departamentong ito ay dapat na kaasaran. Tila isang opisyal ito ng sundalo na nag-uutos sa kanyang mga kawal ngunit hindi sinusunod.

Dapat ding kumilos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) lalo na sa mga probinsiya sapagkat hindi nila binababaan ang singil sa pamasahe gayong mababa na ang diesel at gasolina. Dapat lamang na maramdaman ng mga mamamayan ang sunud-sunod na roll-back ng produktong ito na sila rin nilang idinadahilan kapag magtataas. (ROD SALANDANAN)