Pabor ang Department of Justice (DoJ) sa hiling ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at sa umano’y kakutsaba nito sa ilegal na droga na mailipat sila sa detention center ng National Bureau of Investigation (NBI) o ng Philippine Navy (PN), mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sa tatlong-pahinang liham sa BJMP warden, iginiit ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva ang paglilipat ni Marcelino sa NBI o PN jail facility dahil na rin sa banta sa buhay ng Marine officer.

“As publicly known, Lt. Col. Marcelino has caused the detention of many people involved in illegal drugs, some of whom are currently being detained at Camp Bagong Diwa,” saad sa liham ni Villanueva.

Sinang-ayunan ni Villanueva ang mga testimonya ni Navy Vice Admiral Ceasar Taccad at ng abogado ni Marcelino na si Dennis Manalo na nahaharap sa matinding panganib ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung mananatili itong nakakulong sa QC-BJMP Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (Leonard D. Postrado)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!