Natapat sa ika-75 anibersaryo ng San Sebastian College ang pagbabalik sa eskuwelahan ni Edgar “Egay” Macaraya ay ilan pang alumni para gabayan ang basketball team sa pagbubukas ng 2016 season ng NCAA.

Miyembro ng 1985 NCAA champion team sa ilalim noon ni coach Francis Rodriguez si Macaraya at ang kanyang tagumpay sa CEU ay inaasahang maibibigay din niya sa San Sebastian.

Pinalitan niya ang isa ring alumni na si Rodney Santos.

Nais ni Macaraya na dalhin ang kanyang natamong tagumpay bilang mentor sa labas ng bakuran ng San Sebastian na kinabibilangan ng limang titulo sa NAASCU para sa Centro Escolar University, dalawang titulo sa San Sebastian College-Cavite at isang titulo sa PBA D-League para sa koponan ng Café France.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“We’re hoping that with the materials we have, we can be better from our performance last year,” pahayag ni Macaraya.

“Of course we’re hoping we can even go far on the 75th anniversary of San Sebastian. Pero siguro makarating lang kami sa last four, masaya na kami,” (MARIVIC AWITAN)