Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

8 n.u. NU vs. Adamson(m)

10 n.u. La Salle vs. UE (m)

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

2 n. h. - UST vs Adamson (w)

4 n. h. - La Salle vs FEU (w)

Masusukat ang kahandaan ng dating kampeong De La Salle sa pagharap sa perennial title-contender Far Eastern University sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 volleyball championship sa Philsport Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang sagupaan dakong 4:00 ng hapon.

Balik-aksiyon si dating league MVP Ara Galang sa kampo ng Lady Archers katuwang ang iba pang mga beteranong player na sina Cyd Demecillo, Kim Fajardo, Mika Experanza, Kim Dy, at Justine Tiu.

Inaasahang sisikapin ng tropa ni coach Ramil de Jesus na muling makaabot sa championship para makabawi sa nakapanghihinayang na kampanya laban sa Ateneo sa nakalipas na season.

Para sa Lady Tamaraws, sisimulan nito ang kampanya na wakasan ang pitong taong pagkauhaw sa titulo sa pangunguna ng mga beteranang hitter na sina Bernadette Pons,Mary Jane Palma at Toni Basas.

Mauuna rito, tiyak ding aantabayanan ang duwelo sa pagitan ng multi- titled University of Santo Tomas at Adamson University.

Hindi makalalaro ang na-injured na si skipper Pam Lastimosa, ngunit kumpiyansa si coach Kungfu Reyes sa kanyang bench na kinabibilangan nina last year co-top Rookie na si EJ Laure, Jessey de leon, Mela Tunay, Ria Meneses, at Chloe Cortez.

Samantala sa men’s division, magtutuos sa unang laro ang dating kampeong National University at Adamson habang magkakasubukan ang La Salle at University of the East sa ikalawang laro ganap na alas-10 ng umaga. (MARIVIC AWITAN)