IPINAGDIRIWANG taun-taon ng maraming bansa sa mundo, kabilang ang Pilipinas, ang ikalawang araw ng Pebrero bilang World Wetlands Day upang bigyang-diin ang kahalagahan ng mga lugar na ito para sa sangkatauhan. Ang petsa ay ang anibersaryo ng paglagda at pagpapatupad sa Convention on Wetlands of International Importance o Ramsar Convention sa Ramsar City sa Iran, noong Pebrero 2, 1971. Idinaos ng gobyerno ng Pilipinas ang sarili nitong selebrasyon noong 1999, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 74, “Declaring February 2 of every year as National Wetlands Day.”

Ang tema ng paggunita sa 2016 World Wetlands Day ay “Wetlands for our Future: Sustainable Livelihoods.”

Tinutukoy ng Department of Environment and Natural Resources ng bansa ang wetlands bilang natural o man-made na lugar na regular o may panahong nagiging matubig, sapat upang makabuhay ng mga halaman na para sa mga may lupa na gaya nito. Ang wetlands ay nakatutulong din sa pagpapalinis ng tubig, binabawasan ang pag-agos ng tubig kaya nakapipigil sa baha, nagpapatatag sa mga dalampasigan, at nagsisilbing tahanan ng biodiversity. Kabilang sa mga likas na wetlands ang mga lawa, bana, ilog, bukal, bakawan, bunganga ng ilog, at bahura. Ang mga palaisdaan, pallayan, dam, at asinan naman ang maituturing na man-made wetlands.

Sa datos noong 2015, itinala ng Ramsar Convention ang 2,062 “Wetlands of International Importance” na sumasakop sa mahigit 191 ektarya sa mundo. Apat sa mga ito ang nasa Pilipinas—ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Mindanao, ang Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro, ang Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu, at ang Tubbataha reefs National Marine Park sa Palawan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Philippine National Wetlands Day, bilang suporta sa World Wetlands Day, ay nagsisilbing pagkakataon para sa pagtataguyod ng mas malawakang pagkamulat at mas malalim na pagtanggap sa wetlands, sa kahalagahan at mga benepisyo nito, at kung paano mapangangalagaan at mapoprotektahan ang mga ito, lalo na ngayong mabilis na nangaglalaho ang mga ito. Makatutulong tayo sa adbokasiyang ito sa pagsusulong natin ng World Wetlands Day at National Wetlands Day sa ating mga website, social media platform, newsletter o bulletin board; pagbabahagi sa kahalagahan ng wetlands sa regular na kabuhayan; at pag-oorganisa ng paglilibot sa wetlands, partikular na sa mga lugar na itinalaga bilang Wetland of International Importance o Ramsar Sites at pag-oorganisa ng mga talakayan upang bigyang-diin kung paamo epektibong magagamit ng mga komunidad ang wetlands.

Kailangan na nating kumilos ngayon upang mapangalagaan ang natitira nating wetlands, kung nais nating matiyak ang pananatili ng mga “diverse habitats that are extremely important for biodiversity” at may malaking kontribusyon sa kapakanan ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.