Naniniwala si Rain or Shine coach Yeng Guiao na ‘maturity’ ang nakatulong sa semifinal tormentor San Miguel Beer para maipuwersa ang Smart Bro PBA Philippine Cup Finals laban sa Alaska Aces sa Game 7.

Ayon kay Guiao, naging factor para sa Beermen na naging inspirasyon ang na-injured na si June Mar Fajardo para simulan ang pagtala ng panalo matapos itaguyod ng Aces ang 3-0 abante sa serye.

Paniwala ni Guiao, isinaalang-alang ng Beermen ang bawat laro kay Fajardo bilang sukli sa mga sakripisyo ng Cebuano slotman na ngayon ay kinikilalang main man ng koponan.

“Alam nila na si JuneMar ang nagdala sa kanila sa finals kaya factor yung naglalaro sila for JuneMar. Usually yung mga mature na teams will have that mentality,” ayon kay Guiao, “If you have been playing long enough, you appreciate each other and play for each other. That mentality is always present.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginawang ehemplo ni Guiao ang nangyari sa kanyang star guard na si Paul Lee na naging rallying point ng Painters sa ilang crucial game matapos magtamo ng pinsala.

Unti-unting nakabalik ang Beermen nang ipanalo nito ang huling tatlong laro at itabla ang serye, 3-3, para sa winner-take-all Game 7 ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gayun man, hindi inaalis ni Guiao ang tsansa ng Aces na mapigilan ang isang historic Game 7 win para sa Beermen.

“Yung sense of urgency nila nandyan. They can still pull through. But yung morale, if they can rebound from the setback sa isyu ng morale, they have the ability to beat San Miguel even with a complete line-up,” pahayag ni Guiao.

Sa kasaysayan ng basketball ay wala pang koponan ang nakabalik buhat sa 0-3 deficit ngunit isang beses na itong nagawa sa baseball at anim na beses naman sa sport na hockey. (DENNIS PRINCIPE)