Andre at Barbie copy

“KUNG emotionally draining po noon ako as Diana sa The Half Sisters, physically draining naman ako ngayon as Maru sa That’s My Amboy,” natatawang kuwento ni Barbie Forteza. “Pero hindi po ako nagrereklamo, ini-enjoy ko bawat eksena namin ni Andre (Paras) sa romantic-comedy series namin. Masaya kami sa set dahil punung-puno ng action at comedy ang mga eksena namin. Wala kaming mahihiling kay Bb. Joyce Bernal at sa guest director naming si Tito Dominic Zapata.

Lahat kami ay nagko-comedy, kahit si Heneral Luna (John Arcilla) at si Tita Donita (Rose).”

Gumaganap kasing stuntman sa story si John at lumaki sa kanya ang anak na si Maru kaya kasa-kasama niya ito sa mga shooting at taping, dahilan para ma-expose at matuto sa mga nangyayari sa set, kasabay ng pagtitinda niya ng mga lutong pagkain ng inang si Donita, para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay at sa pagpapaaral sa dalawa niyang kapatid na babae. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kahit college graduate, walang makuhang trabaho si Maru at bumagsak siya sa pagiging PA (personal assistant) ng upcoming actor na mayabang at mainitin ang ulo na si Bryan (Andre). Masyadong temperamental si Bryan dahil binasted ng nililigawang young actress. Kaya wala siyang magustuhan sa mga ginagawang pakikialam sa kanya ng PA niya at wala siyang pakialam kung nasasaktan niya ito.

“Pero madalas pagkatapos ng mga away namin ni Bryan sa mga eksena, tawa kami nang tawa na hindi namin magawa ni Andre kapag nasa harap kami ng camera. Enjoy po kami talaga. Para kasi kaming nagti-taping ng dalawang show dahil artista nga sina Andre at si Heneral John.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga sumusubaybay sa amin gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng Little Nanay. Salamat po sa mga feedbacks ninyo sa Twitter. Makakaasa po kayong lalo naming pagagandahin ang aming show,” sabi ni Barbie.

(NORA CALDERON)