JAKE AT MAINE copy

NAKAUSAP namin si Alden Richards sa backstage ng Eat Bulaga kamakailan. Napansin naming mukhang puyat ang actor dahil walang glow ang kanyang mga mata at hindi na rin siya tulad noong mga panahong hindi pa siya busy na para bang laging punung-puno ng enerhiya ang katawan. Obvious kasing puro raket ang ginagawa ngayon ng binata.

Sold-out ang tickets ng mga show niya dito man sa Pilipinas o sa labas ng bansa. Ang sabi, mas dinumog daw ng tao ang concert ni Alden kumpara kay Daniel Padilla, na kung tutuusin ay mas mahal ang ticket ni Alden kaysa kay Daniel.

“Thank you po dahil marami tayong kababayang OFW na looking forward talaga na makararing ang AlDub pero ako pa lang ang pinayagang makapunta do’n dahil ‘yung date ng pagpunta ko do’n malayo pa lang naka-block na ‘yun sa schedule ko and hopefully next time kasama ko na si Maine sa mga out of country show,” pahayag ni Alden.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Hinahanap kay Alden ng mga kababayan natin sa Dubai si Maine, pero naintindihan naman ng fans ang sitwasyon.

“Nagpapasalamat ako sa kanila ng malaki dahil tinanggap nila ako do’n at nakita kong marami tayong kababayan sa Dubai.”

Habang wala si Alden ay umeksena si Jake Ejercito sa Eat Bulaga. Marami ang nagsabing “naagaw” kay Alden ang attention ng mga tao at maging ang Aldub Nation ay buong pusong tinanggap ang bunsong anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.

“Okay naman po. Wala pong problema sa akin at least nagkaroon ng bagong story ang kalyeserye. For me okay lang po na nandiyan si Jake kasi on my side nagkaroon ng bagong challenge sa akin. At wala naman po akong nakikitang negative impression mula sa mga tao at the same time malaki din ang tulong no’ng role niya and hopefully magkaroon din siya ng role uli sa mga susunod pang episode ng kaleserye.”

 

Walang inggit, walang takot at hindi hadlang si Jake para kay Alden. Dahil para sa binata, bilang actor ay dapat maging handa siya sa mga posibleng susunod na mangyayari sa kanyang career. (MORLY ALINIO)