Adele copy copy

NEW YORK (AFP) – Nagpahayag ng pagtutol nitong Lunes ang pop superstar na si Adele nang gamitin ng Republican presidential frontrunner na si Donald Trump ang kanyang awitin sa pangangampanya.

Madalas gamitin sa mga rally ni Trump, isa sa milyun-milyong tagahanga ni Adele na namataan sa concert ng huli noong Nobyembre sa New York, ang mga awitin ni Adele, isa na rito ang Rolling in the Deep.

“Adele has not given permission for her music to be used for any political campaigning,” pahayag ng tagapagsalita ni Adele.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa mga nakalipas na buwan, idineklara ni Adele ang kanyang suporta sa Labour Party sa kanyang native Britain kahit na inireklamo na niya ang malaking buwis na kinakaltas sa kanya simula nang yumaman siya.

Ang mga kandidato sa US, lalo na si Trump, ay nakakatanggap ng samu’t saring komento sa paggamit ng mga sikat na awitin.

Ang ilan sa mga ginamit na awitin ni Trump sa kanyang pangangampanya ay ang Rockin’ in the Free World ni Neil Young, ang It’s the End of the World as We Know It (And I Feel Fine) ng R.E.M., dahilan upang umalma ang mga singer ng mga nasabing awitin.

“I think Donald Trump is evil like America is evil and in order for America to keep up with itself it needs him,” pahayag ni Banks sa kanyang late-night tweets.

Ngunit diretsahang pinuri ni Banks, isang African American woman na dating umakusa sa music industry at inilahad ang kanyang galit sa “fat white Americans,” si Trump.

Aniya, ang real estate tycoon “is the only one who truly has the balls to bust up big business.”

Kaugnay sa Democratic candidates, sinabi ni Banks na: “Just because Hillary Clinton and Bernie Sanders say nice things about minorities doesn’t mean they actually mean them.”