Ipinasisibak ni Misamis Oriental Gov. Bambi Emano ang mahigit 40 kawani sa pitong ospital ng pamahalaang panglalawigan makaraang magpositibo ang mga ito sa paggamit ng ilegal na droga sa Misamis Oriental, nabatid kahapon.

Ito ay pagkatapos ng random drug testing ng pamahalaang panglalawigan para matiyak na drug-free ang mga empleyado ng kapitolyo.

Inihayag ni Emano na maliban sa pagsibak sa trabaho, pinakakasuhan din niya sa piskalya ang mga nagpositibong empleyado.

Sinabi ni Emano na nagsagawa ng sorpresang drug testing sa walong ospital sa pamahalaang panglalawigan, at kabilang sa mga nagpositibo sa random drug testing ang ilang driver, at ilang job order, casual, at regular employees.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Fer Taboy)