Alden Triple Platinum copy

UMABOT sa Platinum record ang first album ni Alden Richards na Wish I May sa GMA Records noong October 30, 2015, ilang araw pagkatapos ng Eat Bulaga special na “Tamang Panahon” sa Philippine Arena, noong October 24.

Pero bago pa ito naging Platinum award, naging Gold Record muna ito na iniyakan ni Alden nang i-award sa kanya sa Eat Bulaga na nasabay pa sa episode ng kalyeserye na first time silang magkikita nang personal ni Yaya Dub (Maine Mendoza) sa mansiyon ni Lola Nidora. Inialay ni Alden ang naturang award sa kanyang yumaong ina.

Naging Christmas gift naman kay Alden noong December 20, 2015 ang Double Platinum award ng album. Pinigilan man niyang mapaiyak, hindi siya nagtagumpay dahil kung naging Platinum award din ang self-titled album niya sa Universal Records pagkalipas ng ilang linggo na nag-platinum ang Wish I May, sabay namang naging Double Platinum ang dalawang album kaya sabay niya itong tinanggap sa Eat Bulaga.

Human-Interest

Himpapawid vision: Rudy Baldwin, nahulaan pagbagsak ng Air India plane?

At ang Triple Platinum award ng Wish I May ay tinanggap naman ni Alden sa Sunday Pinasaya nitong nakaraang Linggo, January 30. Pero ini-awaard din sa kanya ang Platinum award para sa carrier single ng album titled Wish I May.

Teary-eyed si Alden sa pagpapasalamat sa PARI at sa GMA Records. 

Ang bagong awards ay tiyak naging kapalit ng mga tinanggap na bashing ni Alden mula sa fans (sana ay hindi nga kayo members ng ADN or AlDub Nation) dahil iniwanan daw niya si Maine sa reception ng Vic-Pauleen wedding noong Sabado ng gabi.

Nag-tweet na si Ai Ai delas Alas na kailangan nang umalis ni Alden dahil late na natapos ang wedding at kailangan nilang mag-report ng 8:00 AM sa Sunday Pinasaya. May isa pang nag-tweet na noong Friday (January 29) pa raw nagsimula si Alden ng halos walang tulog at walang pahingang trabaho, Sabado sa EB at sa wedding nina Vic at Pauleen. Umaga pa lamang ng Linggo, nasa GMA-7 na siya at pagkatapos doon, pinuntahan pa ni Alden ang cancer survivors sa pag-aasikaso sa kanila ng Alden Nation na nag-sponsor ng lunch sa kanila sa Cucina ni Bunso. 

Gusto kasing magpasalamat ng cancer survivors kay Alden na nagkaroon ng bahagi sa paggaling nila, sa pagmamahal nila kina Alden at Maine. Naka-appease siguro sa bashers ang tweet ni Maine na, “Make Love Not War” at ang pagtatanggol din ng ibang fans kay Alden at huminto na sila. (NORA CALDERON)