Nagwakas ang dalawang taong pagtatago ng isang suspek sa panghahalay sa isa niyang kapitbahay, nang maaresto siya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/ Sr. Supt. Audie A. Villacin, hepe ng Valenzuela Police, ang suspek na si Ricky Igano, 37, ng Canumay East ng nasabing lungsod, na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Evangeline Francisco, ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270, sa kasong two counts of rape.
Ayon sa ulat, dakong 7:00 ng umaga, naglalakad si Igano sa Canumay East ng matiyempuhan ito ni PO3 Roberto Santillan, ng Field Training Office (FTO).
Base sa record ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, hinalay ni Igano ang biktimang itinago sa pangalang “Arlene,” 20, noong 2014. (Orly L. Barcala)