LEMERY, Batangas - Sugatan ang isang 39-anyos na babae matapos umanong pagsasaksakin ng kaniyang karibal, sa Lemery, Batangas.

Ginagamot pa sa Lemery Doctors Medical Center si Jennifer Cabiles, ng Barangay Ayao-Iyao, Lemery.

Kinilala naman ang suspek na si Julie Ann Magpantay, 34 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Mark Gil Ortiz, dakong 7:30 ng gabi nitong Linggo nang nagtungo si Cabiles sa bahay ng suspek upang komprontahin ang umano’y relasyon nito sa live-in partner ng biktima.

Pinagbabato umano ng biktima ang bahay ni Magpantay, na nang lumabas ng bahay ay sinaksak si Cabiles. (Lyka Manalo)

Probinsya

'Personal na tulong ko ito!' Rep. Leviste, mamamahagi ng 1M sako ng bigas sa Batangas