CALAMBA CITY, Laguna – Isang 14-anyos na lalaking special child ang namatay habang nasugatan naman ang kanyang ina matapos na masunog ang kanilang bahay sa Burgos Street sa Barangay 6, Calamba City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Joshua Potoy Costorio, 14, habang nasugatan naman ang ina niyang si Lus Potoy Costorio, 40, biyuda, caretaker, kapwa residente sa nasabing lugar.

Dakong 1:30 ng umaga nang matanggap ng Calamba City Police ang report na nasusunog ang bahay ng mag-ina at agad na pinagresponde ang Bureau of Fire Protection. (BFP).

Batay sa imbestigasyon, nagsindi ng kandila ang kaanak ng mga biktima na si Pidget Potoy Costorio at ipinatong ito sa ibabaw ng isang kahoy na cabinet sa sala, at pinaniniwalaang dito nagsimula ang sunog. Nagtamo ng bahagyang sunog sa kanang bahagi ng katawan si Lus, samantala hindi naman nakaalis si Joshua sa ikalawang palapag ng bahay at doon din natagpuan ang kanyang bangkay. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!