KINOBERAN namin sa SM Lipa City ang isa sa sunud-sunod na block screening ng Everything About Here, ang opening salvo at first blockbuster movie ng Star Cinema for 2016 at hiningan namin ng komento ang mag-amang Sen. Ralph Recto at Ryan Christian Recto hinggil sa hiwalayan nina Luis Manzano at Angel Locsin.
Napailing si Senator Ralph nang banggitin na hindi pa siya updated sa nangyari. Maging ang asawang si Gov. Vilma Santos ay wala pa nga raw naikukuwento sa kanya tungkol sa bagay na ‘yun. Pero umaasa siyang magkaayos pa ang dalawa.
Sa nakikita raw niya ay sobrang in love sina Angel at Luis sa isa’t isa at hindi raw ugali ni Luis na pinagtatagal ang anumang problema.
Kuwento pa ni Ralph, pati nga raw sa pamilya ni Angel ay napapansin niyang mukhang pabor naman kay Luis at walang nakikitang anumang problema sa relasyon ng dalawa.
Ayon naman kay Ryan Christian, dapat lang na sina Kuya Luis at Ate Angel niya ang mag-aayos ng problema nila. At ayusin na agad at hindi na dapat patagalin pa.
Samantala, SRO ang block screening ng Everything About Her sa SM Lipa City. Sa pagkakaalam namin ay mismong si Senador Ralph ang nag-ayos para sa naturang block screening na bukod kay Gov. Vi ay present ang halos lahat ng incumbent local officials ng Lipa City sa pangunguna ni Vice Mayor Eric Africa at naroroon din si Vice Gov. Mark Leviste at iba pang provincial board members.
Hirap na hirap makalabas si Gov. Vi sa naturang sinehan after ng block screening dahil pinagkaguluhan siya ng mga taga-Lipa. And take note, congresswoman na ang sigaw ng mga tao sa kanya! (JIMI ESCALA)