Pauleen & Vic at the reception copy

MARAMI pang kuwento tungkol sa kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna. Kasama na rito ang mga ikinuwento si Vic sa reception na ngayon lang nalaman ng publiko. 

Anim pala ang mahal ni Vic, una ang Diyos, pangalawa ang kanyang mga anak na sina Danica, Oyo, Vico at Paulina, pangatlo ang kanyang pamilya, pang-apat ang kanyang trabaho at career, panglima ang golf at pang-anim si Pauleen.

Pero binago raw niya, ginawa na niyang number five si Pauleen at pang-anim na lamang ang golf.

Kahayupan (Pets)

Libreng kapon sa mga pusang 'Maris' at 'Anthony' ang pangalan, handog ng isang veterinarian

“Pero ngayon, number two na si Pauleen, una pa rin ang Diyos,” pahayag ni Vic. “Ang ibig sabihin ng number two, that I love you and I will take care of you, and I want to thank you and your family.”

Nag-sorry si Vic sa kanyang mga anak, sina Danica at Marc Pingris, Oyo at wife na si Kristine Hermosa, kina Vico at si Paulina at boyfriend nito, na sila na lamang ang number three. Nag-thumbs-up naman mga anak niya.

Buong puso namang nagpasalamat si Vic sa pang-unawa ng kanyang mga anak dahil alam daw niyang hindi madaling tanggapin ang anumang pangyayari, pero naramdaman daw niya ang respeto at pagmamahal nila nang tanggapin nila si Pauleen.

“At alam ko namang hindi mahirap mahalin ang aking asawa. Masarap pala ang sabihing ‘aking asawa.’” 

Kaya nagkatawanan ang lahat.

Inamin ni Vic noong bachelor’s party na nag-decide na siyang magpakasal kay Pauleen dahil nakita niyang masasaya sa buhay may-asawa sina Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, at maging ang mga anak niyang sina Danica at Oyo.

Muling nagkatawanan nang sabihin ni Vic na hindi niya alam kung paano tatawagin ang mga biyenan dahil mas matanda pa siya sa kanila. Si Mommy Chat daw ay tinatawag na nila ni Pauleen ng Mommy Lu. Para lamang niyang kumpare ang ama ni Pauleen at siguro raw tatawagin niya itong Father Lu. At nangako rin si Vic sa only brother ni Pauleen na si Miki (Miguel Mario) na hindi mawawala sa kanila ang Ate Pauleen niya.

“Thank you so much for accepting me sa inyong family. Thank you for the love sa buong pamilya.”

Pagkatapos ng pagsasalita ni Vic ay sumayaw sila ni Pauleen to the tune of Dessert na paboritong sayawin ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kalyeserye ng Eat Bulaga, dahil sabi ni Vic, “Si Pauleen ang dessert ng buhay ko.”

Ilang araw lamang mawawala sina Vic at Pauleen. Sa Miyerkules sila aalis para sa honeymoon nila sa Maldives at balik din agad sila sa trabaho as hosts ng number one noontime show na Eat Bulaga. (NORA CALDERON)