TUWANG-TUWA ang cast ng #ParangNormalActivity na pinangungunahan nina Kiray Celis, Shaun Salvador, Andrei Garcia, Ella Cruz at Railey Santiago dahil extended ang programa nila.
So, hindi nangyari ang napabalitang hanggang katapusan ng Enero na lang ang #ParangNormalActivity na idinidirek ni Perci M. Intalan for TV5 kahit mataas ang ratings at maganda ang feedback. Wala kasing katulad ang concept ang #ParangNormalActivity na mala-Nancy Drew Mysteries/Hardy Boys noon.
Oo nga naman, dahil sa #ParangNormalActivity ay napag-aaral ni Shaun ang sarili sa kolehiyo at si Kiray na breadwinner ng pamilya ay ito lang ang regular show dahil wala namang offer sa ABS-CBN.
Pero si Andrei ay may mga show sa ABS-CBN at si Railey ay kasama sa #hashtag group na regular sa It’s Showtime at si Ella ay may isa pang show sa TV5.
Kaya sana’y magtuluy-tuloy pa ang #ParangNormalActivity tutal mataas naman ang ratings kaya kumikita kaya walang dahilan para tanggalin sa ere ng TV5.