ROME (Reuters) — Nagtitipon ang mga nasyon sa Rome upang mag-isip ng mga paraan kung paano puksain ang militanteng grupong Islamic State sa Syria at Iraq at kung paano putulin ang pagtaas nito sa Libya.
Rerepasuhin ng 23 bansa mula sa Global Coalition to Counter ISIL ang kanilang mga pagsisikap upang mabawi ang mga teritoryong Syrian at Iraqi mula sa jihadist group at tatalakayin ang mga paraan ang kung paano supilin ang mas malawak nitong impluwensiya, lalo na sa Libya, sinabi ng mga opisyal.