Isang buwang ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng pagpapaskil ng certified list of voters para sa lokal at pambansang halalan sa Mayo 9.

Batay sa Comelec Resolution No. 10044, inamyendahan ng en banc ang Comelec Resolution No. 9981, na naghahayag ng kanilang Calendar of Activities and Periods of Prohibited Acts sa halalan.

Sa halip na Pebrero 9, ay sa Marso 10 na ipapaskil ang certified list of voters sa Comelec website.

Ayon sa poll body, hindi pa nila matatapos ang procurement ng mga suplay para sa pag-iimprenta at aktuwal na printing ng certified list of voters bago ang Pebrero 9 kaya’t nagpasya silang ipagpaliban muna ito.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Layunin ng pagpaskil ng certified list of voters na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na maberipika kung rehistrado sila bilang botante para sa halalan 2016. (Mary Ann Santiago)