Hindi kokontrahin ng Malacañang ang gun ban policy na inamyendahan ng Commission on Elections (Comelec) na nagbibigay ng pahintulot sa mga incumbent lawmaker na magbitbit ng armas ngayong panahon ng eleksiyon.

Tiniyak ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na tutugon ang gobyerno, partikular ang Philippine National Police (PNP), sa kautusan ng poll body sa pagpapatupad ng inamyendahang gun ban policy.

“Tutulong ang Philippine National Police, bilang deputized agency ng Comelec, sa pagpapatupad ng inamyendahang patakaran hinggil sa gun ban,” pahayag ni Coloma sa panayam ng radyo DzRB.

“Handa ang pamahalaan na gawin ang lahat ng nararapat at naaayon sa patakaran ng Comelec na siyang may pangunahing responsibilidad sa pagtiyak ng pagkakaroon ng maayos at tapat na pambansang halalan sa Mayo,” dagdag ni Coloma.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

(Genalyn D. Kabiling)