Kasunod ng pagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa merkado kahapon, magpapatupad naman ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa pahayag ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga ng Pebrero 2 ay magtataas ito ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P1.05 sa diesel, at 45 sentimos sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Internasyonal

Dating posisyon ni Pope Leo XIV, ipinasa kay Cardinal Tagle

Disyembre 1, 2015 nang nagtaas ang oil companies ng 45 sentimos sa presyo ng gasolina, 20 sentimos sa diesel, at 10 sentimos naman sa kerosene. (Bella Gamotea)