Magiging mas komportable na ang biyahe ng mga commuter, lalo na ang senior citizens, persons with disabilities at mga buntis, matapos buksan sa publiko ang mga binagong escalator ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nagkakahalaga ng P22.11million.
“Restoring these conveyance facilities is a step towards long-term progress to make a difference in the lives of daily commuters,” sabi ni Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Jun Abaya.
Iginawad ng DoTC ang proyekto sa Jardine Schindler Elevator Corporation noong Hunyo, 2015 sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Hawak ng contractor ang karapatan para ayusin ang 12 Schindler-brand escalator bilang exclusive distributor ng brand.
Sa kasalukuyan, ang PS-DBM ay nasa proseso ng pamimili para sa rehabilitasyon ng iba pang batch ng escalator, na kinabibilangan ng 34 Mitsubishi-brand facilities, para palitan ang 32 elevator. (Emmie Abadilla)