Nasawi ang isang lalaki na kalalabas lang sa rehabilitation center makaraang tumalon mula sa kampanaryo ng isang simbahan sa Mandaluyong City, kahapon.
Nagulantang ang guwardiya ng San Felipe Neri sa Barangay Poblacion, dakong 4:00 ng umaga, sa narinig na malakas na kalabog makaraang bumagsak ang katawan ng 28-anyos na lalaki, na pansamantalang hindi pinangalanan.
Napag-alaman ng awtoridad na kalalabas lang sa rehabilitation center ng biktima, na nakitaan ng pagkabalisa sa nakalipas na mga araw.
Sa kabila nito, inaalam ng awtoridad kung may foul play sa insidente. (Mac Cabreros)