Pebrero 2, 1887 nang isagawa sa unang pagkakataon ang Groundhog Day, na kinasangkutan ng meteorologist na daga na si Phil, sa Punxsutawney, Pennsylvania. Hindi lamang ang kakayahan ng daga na magtaya ng panahon ang pinagkaguluhan, kundi maging ang pagkakatampok ng hayop sa picnic menu.

Ayon sa tradisyon, kung lumabas ang groundhog mula sa lungga nito at lumikha ng anino, mas maagang magsisimula ang panahon ng tagsibol. Kung hindi naman, madadagdagan ng anim na linggo ang taglamig.

Ang Groundhog Day ay nagmula sa Candlemas Day ng mga European, na idinadaos upang matukoy ang pagsisimula ng tagsibol, at isang lights festival.

Ang mga groundhog, na may scientific name na Marmota monax, ay nabubuhay ng anim hanggang walong taon, at karaniwang tulog sa taglamig. Tuwing Pebrero naman naghahanap ng katalik ang mga lalaking groundhog.

Trending

'Say aahh' Lalaking nag-aapply ng trabaho, sinubuan habang nasa online interview

Ang kahusayan ng pagtaya ni Phil ay nasa 39 na porsiyento. Nagkaroon na rin ng kani-kanyang daga na nagtataya ng panahon ang iba’t ibang bayan sa North America, gaya ng Shubenacadie Sam sa Canada.