Isang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang pinatay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang mga dati niyang kasamahan sa kilusan, habang nangangahoy sa bayan ng Leon sa Iloilo, kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril si Sixto Camot Calsena, 58, ng Barangay Si-ol Norte, Leon, ng mga hindi nakilalang suspek na hinihinalang NPA, habang nangangahoy sa nabanggit na lugar.

Sinabi ni Insp. Rewel Pablico, hepe ng Leon Municipal Police, na nagtamo ng walong tama ng bala ng .45 caliber pistol at M-16 armalite rifle si Calsena sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon pulisya, tatlong hindi nakilalang lalaki ang suspek sa krimen at tinitingnang motibo ang pagtiwalag ng biktima sa NPA. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog