Nabigyan ng ayuda ang kampanya ng reigning PBA D-League Foundation Cup champion Café France nang makipagtambalan sa Freego bilang “apparel sponsor” ng koponan sa pagbubukas ng 2016 PBA D-League Aspirants Cup.
Pormal na senelyuhan ang kasunduan kahapon sa pagitan ng team management at kinatawan ng Freego sa main office ng Café France sa Makati City.
“With Freego, as our sponsor maganda ang inaasahan kong tatakbuhin ng team,” sambit ni Bakers coach Egay Macaraya.
Kasama ni Macaraya sa naganap na “contract signing” ang Marketing Manager ng Café France na si Heidi Evangelista, Freego Sports Marketing Manager Edster Sy at Café France team manager Jeff Plaza.
Ayon kay Sy, umaasa silang lahat ng players ay magiging focus sa kanilang laro bilang ambassadors ng Café France at ng Freego.
“We hope that everyone will have a conscious effort to promote the team and the brand,” ayon kay Sy. (MARIVIC AWITAN)