Matapos ideklara ng Kongreso na “patay na” ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa 16th Congress, hiniling ng chairman ng House Committee on Rules na alisin na ang kontrobersiyal na panukala sa agenda ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni House Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na ibubuhos na lang ng Kamara ang panahon nito sa mas mahahalagang panukula.

“I am recommending to exclude BBL in our agenda in the remaining days of our session following the separate public admissions of the Speaker (Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr.) and the Senate President (Franklin Drilon) that the proposal is dead,” ayon kay Gonzales.

Sinabi rin ng kongresista na ipinarating na niya ang kanyang rekomendasyon kay Belmonte, kamakalawa ng gabi.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

“The intention is to allow us to devote our time deliberating on other pending bills, focus on their approval and address other important legislative concerns,” aniya.

Matatandaan na inamin ni Belmonte na wala nang pag-asang makalusot ang BBL sa 16th Congress kahit aprubahan nila ang kontrobersiyal na panukala, dahil malaki ang posibilidad na lalangawin lang ito sa Senado.

“Realistically the target of passing it in the House is remote but still possible. That it will become law is impossible because the Senate version is different and has not even been discussed in plenary,” ayon sa House leader.

Subalit nanindigan pa rin si Belmonte na isulong ang mga talakayan sa BBL sa plenaryo. (Charissa M. Luci)