NAKATAKDANG bumalik si Angel Locsin sa Singapore para sa ituloy ang paggamot sa kanyang sakit (disc bulge). Ito ang kuwento mismo ni Angel nang makausap namin sa block screening ng pelikula nila ni Vima Santos at Xian Lim na Everything About Her. 

“Ang priority ko po kasi ang magpagaling. Kailangan lang po talagang mangyari, eh, maging successful ‘yung operation at walang mangyaring masama after that. So, ‘yun talaga ang nasa isip ko ngayon,” banggit ng dalaga. 

Nakarating na rin sa amin na after ng very successful na Everything About Her ay gagawin naman si Angel ang isa pang pelikula sa Star Cinema na pagsasamahan nila nina Anne Curtis at Paulo Avelino.

Patuloy ding umaasa ang lahat na si Angel pa rin ang magiging bida sa Darna project ng Star Cinema. Pero ayaw munang magkomento si Angel hinggil sa nasabing proyekto. 

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“Kung meron, meron, kung wala, eh, wala. Basta ako, eh, masaya ako, nasa point na ako ng buhay ko na komportable na tayo mamuhay, okey na rin naman ang pamilya ko. ‘Yun naman ang importante sa akin. I’m just hungry na gumawa ng magagandang projects,” kuwento ni Angel. 

Ayaw na muna niyang magkomento tungkol sa pinagpipistang “breakup” nila ni Luis Manzano. Nasabi na raw niya ang gusto niyang sabihin (sa Tonight With Boy Abunda), na may pinagdadaanan lang silang dalawa at inaayos nila ito. Hindi pa raw sila hiwalay talaga, huh!

May malapit sa dalawa na nakapagbulong sa amin na isa sa mga taong malapit kina Angel at Luis ang namamagitan para maiayos ang anumang gusot nila. Paglabas ng item na ito, maaaring nagkausap na nang masinsinan ang dalawa na ayon sa source namin ay parehong nag-iiwasan lately.

Samantala, nakikiramdam lang ang Star for all Seasons sa mga nangyayari sa relasyon nina Luis at Angel. Hangga’t maaari ay iniiwasan daw niyang makialam. 

Pero nabanggit ni Ate Vi na kung maramdaman niya na kailangan na siyang mamagitan bilang ina ni Luis at sa napamahal na rin sa kanyang si Angel ay to the rescue na agad siya. (JIMI ESCALA)