GENEVA (AP) - Nangako nitong Sabado ang pangunahing delegasyon ng Syrian opposition na hindi sila makikibahagi sa usapang pangkapayapaan na isinusulong ng United Nations kung hindi mapagbibigyan ang kanilang mga kahilingan.
Nagbabala ang oposisyon na kung sakaling hindi masusunod ang kanilang mga kondisyon, wala nang dahilan para manatili pa ang grupo sa Geneva.
“We are here to discuss humanitarian matters first and if this happens we will start the negotiations,” sinabi ni delegation chief spokesman Salem al-Mislet sa mga mamamahayag sa pagdating sa hotel ng ilan sa 24 sa grupo. “If not, there will be no negotiations and there will be no reason for us to stay here.”