BATANGAS - Napatay sa engkuwentro ang isa sa tatlong pugante na umano’y bumaril at nakapatay sa isang jail guard sa kanilang pagtakas nitong Sabado ng madaling-araw sa Balayan, Batangas.

Kinilala ang napatay na si Ajie Mendoza, 19, nahaharap sa kasong carnapping.

Nasugatan naman si PO1 Arnel Abellera makaraang makaengkuwentro ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) si Mendoza sa Balayan Old Cemetery.

Gamit pa umano ni Mendoza ang .9mm caliber na inagaw at ginamit nito sa pagpatay sa jail guard na si SJO1 Leonardo De Castro upang makapuga nitong Sabado ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabaril din umano ni Mendoza si PO3 Roderick Botavara, na kritikal pa rin ang kondisyon.

Balik-selda naman ang mga kasama ni Mendoza na pumuga na sina Marvin Ceralbo, 22; at Jessie Pega, 29, kapwa akusado sa illegal drugs.

Ipinag-utos naman ni BPPO Director Senior Supt. Arcadio Ronquillo, Jr. na bigyang parangal sina Botavara at Abellera, gayundin ang grupo ng mga pulis na nakasagupa ni Mendoza. (Lyka Manalo)