DALORI, Nigeria (AP) — Binomba ng apoy ng mga Boko Haram extremist ang mga kubo at narinig ang sigaw ng mga batang nasusunog, na kabilang sa 86 kataong namatay sa huling pag-atake ng homegrown Islamic extremists ng Nigeria.

Nakahilera sa lansangan ang mga sunog na bangkay kinabukasan ng Linggo sa Dalori village at dalawang katabing kampo na tinutuluyan ng 25,000 refugee, ayon sa mga nakaligtas at mga sundalo sa lugar, 5 kilometro ang layo mula sa Maiduguri, ang lupang sinilangan ng Boko Haram at pinakamalaking lungsod sa hilagang silangan ng Nigeria.

Tumagal ng mahigit apat na oras ang pamamaril, panununog at pagpasabog ng tatlong babaeng suicide bomber sa hindi protektadong lugar.

Dumating ang mga tropa sa Dalori dakong 8:40 p.m. ng Sabado ngunit hindi nagapi ang mga umaatake, na mas armado kaysa kanila. Umurong lamang ang mga mandirigma ng Boko Haram nang dumating ang mga reinforcement na may mas malalakas na armas, ayon sa mga saksi.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'