Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng frustrated murder sa Office of the Provincial Prosecutor ng Bulacan si San Jose Del Monte City Mayor Reynaldo San Pedro, at anim na iba pa, kaugnay ng pananambang kay City Engineer Rufino Gravador, Jr. noong Disyembre 2, 2015, sa Santa Maria, Bulacan.

Kinasuhan din ang kapatid ng alkalde na si Ricardo San Pedro, si Councilor Reynaldo Policarpio, at apat na umano’y gunman.

Nanindigan ang mga testigo na hawak ng NBI, na si San Pedro ang utak sa pag-ambush kay Gravador.

Base sa salaysay ng engineer na nakaligtas sa ambush: “Dahil sa aking pagtestigo sa plunder case laban kay Mayor Reynaldo San Pedro, pina-ambush po ako sa kalalakihan na may mahahabang baril.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang kasong plunder ay kaugnay ng P300-milyon San Jose del Monte Government Center project na pinaniniwalaang overpriced. - Beth Camia