Angelique Kerber
Angelique Kerber

MELBOURNE, Australia (AP) – Matapos ang mga ibinigay na payo ni Steffi Graf, naibalik ni Angelique Kerber ang pabor sa retiradong kampeon sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa Australian Open women’s singles.

Nanatiling hindi nasisira ang hawak na record ni Graf na 22 Grand Slam singles titles sa Open era matapos na ma-upset ni Kerber ang No. 1-ranked na si Serena Williams upang makamit ang kanyang unang major title sa Australian Open.

Hindi umangat ang record ni Williams na 21 Grand Slam titles dahil sa natamong kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is the first big tournament of the year, and I won it, the first Grand Slam. It sounds crazy, but I can say I’m a Grand Slam champion now,” ani Kerber, na nakapasok sa finals sa unang pagkakataon sa loob ng 33 major tournaments na kanyang nilahukan na hindi halos makapaniwalang natalo niya si Williams, 6-4, 3-6, 6-4 sa larong tumagal ng dalawang oras at walong minuto.

Dahil sa kanyang panalo ay aangat si Kerber sa kanyang pinakamataas na career-high ranking na No. 2 mula sa pagiging 7th sees sa simula ng torneo.

Siya rin ang unang babaeng netter mula Germany na nagwagi ng Australian Open kasunod ni Graf noong 1994 at ang unang German na nagwagi ng Grand Slam mula ng huling magwagi si Graf bago magretiro noong 1999 sa French Open.

Agad namang binati si Kerber ni German Chancellor Angela Merkel.

“With this victory you have not only fulfilled your own biggest dream but also, once again 17 years after Steffi Graf, the hopes of millions of tennis fans of a German winning the Grand Slam tournament,” ani Merkel sa kanyang pahayag.

“It was fascinating to see how courageously and, with such nerves of steel, how you prevailed in the final against arguably the best player in the world. I hope you will enjoy the victory fully and then go on to many more successes.”

Isang malaking katanungan bago simulan ang Australian Open ngayong taon kung mayroong makakatalo kay Williams, ang defending champion na naghahangad ng kanyang ikapitong sunod na kampeonato sa Melbourne Park.

Maraming pangalan ang nabanggit na posibleng tumalo kay Williams ngunit wala doon si Kerber.

Si Kerber ay nasa Top 10 sa nakalipas na apat na taon at ang pinakamataas niyang pagtatapos sa isang major tennis tournament ay nang pumasok siya sa semifinals ng 2012 Wimbledon at 2011 U.S. Open.

Noong nakaraang taon, natalo siya sa kanyang first-round match sa Melbourne na muntik na maulit ngayong taon sa kanyang unang laban kontra kay Misaki Doi.

“When I played here the first round I was match point down so I was actually with one leg in the plane to Germany and now I’m here,” ani Kerber sa mga manonood sa loob ng 15,000-seat Rod Laver Arena, na nalipat ang paghanga sa kanya mula sa pagsuporta kay Williams sa simula ng laban nila.

Sa kabuuan ng torneo, laging nababanggit ni Kerber ang mga payong ibinigay sa kanya ni Graf, ang kanyang childhood idol na isa na ngayong mentor.

Noong isang taon, nagkaroon siya ng pagkakataon na makalaro si Graf sa kanyang pagbisita dito sa Las Vegas,kung saan ito naninirahan kasama ng asawa na si Andre Agassi at kanilang dalawang anak. Dito palaging sinasabi sa kanya ni Graf na magaling siya at mayroong mararating basta’t maniwala lamang sa kanyang sarili.

Iyon ang nanatili at itinanim ni Kerber sa kanyang isipan na nagbunga na maganda sa taong ito.

“I think I helped Steffi right now,” ang nakangiting wika ni Kerber nang tanungin tungkol sa napanatiling record ni Graf. “Steffi is a champion. She won 22 Grand Slams. That’s my first one... The hard work pays off.”