Mga laro sa Miyerkules - San Juan Arena

9 a.m. – AdU vs DLSZ

11 a.m. – UST vs Ateneo

1 p.m. – NU vs UE

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'

3 p.m. – UPIS vs FEU

Isa uling maituturing na “monster performance” ang ipinamalas ni Justine Baltazar nang pangunahan nito ang National University sa paglapit sa inaasam nilang awtomatikong pagpasok sa kampeonato makaraang gapiin ang University of the Philippines Integrated School sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa San Juan Arena noong Sabado ng hapon.

Isa sa mga nangungunang contenders para sa MVP award, nagtala muli ng double-double digit game si Baltazar sa kanyang ipinosteng 13 puntos at 19 rebounds para giyahan ang Bullpups sa kanilang ika-12 sunod na panalo.

Dahil dito, dalawang panalo na lamang ang kailangan ng NU upang pormal na umusad sa kampeonato.

Naghahangad na mabawi ang titulong nawala nila sa reigning titlist Ateneo noong 2014, susunod na makakatunggali ng NU ang winless pa ring University of the East sa Miyerkules bago tapusin ang double round eliminations sa pagharap nito sa De La Salle-Zobel sa Sabado.

Sa iba pang laro, nagsalansan naman ng 22 puntos, 6 na rebopunds at 5 assists si Aljun Melecio para pangunahan ang Junior Archers sa 110-64 na paggapi sa Junior Warriors na nagbigay sa kanila ng playoff berth para sa asam na twice-to-beat semifinals incentive.

Dahil sa panalo, umangat ang La Salle-Zobel sa barahang 10-4,panalo-talo, dalawang laro ang layo sa Ateneo,na nagtala naman ng 82-73 panalo kontra Adamson.

Umiskor si Jolo Mendoza ng 16 puntos habang nagdagdag naman si Shaun Ildefonso ng 15 puntos at 16 rebounds para sa Blue Eaglets na umangat sa barahang 8-4, panalo-talo.

Naging malamlam naman ang tsansa ng Baby Falcons para sa Final Four round matapos malaglag sa patas na barahang 6-6. Panalo-talo.

Naungusan na sila ng Far Eastern University-Diliman na umakyat naman sa kartadang 7-5 matapos ang 86-66 na panalo kontra University of Santo Tomas.

Nagsipagtala sina Jun Gabane, Eric Gabel at Xyrus Torres ng tig-12 puntos para pamunuan ang Baby Tamaraws sa pag-angkin sa ika-apat na puwesto. - Marivic Awitan