Pebrero 1, 1811 nang buksan sa unang pagkakataon ang Bell Rock Lighthouse. Nagsimula itong magbigay ng warning light gamit ang 24 na lantern, sa ibabaw ng puting tore na gawa sa bato at may taas na 30 metro (100 talampakan), 11 milya mula sa east coast ng Scotland. Kinikilala ito bilang pinakamatandang sea-washed lighthouse.
Itinayo ni Robert Stevenson ng lighthouse sa sandstone reef. Ang mga bato nito ay hindi na kinailangang isaayos. Ito ang pinakamalaking tagumpay ni Stevenson, at pinaniniwalaan ng nakararami na ito ang pinakamagandang lighthouse na naitayo.
Nagsimula itong itayo noong 1807 at natapos noong 1810, habang ginastusan naman ito ni Stevenson ng £42,685.