Anim na malalaking aktibidad na katatampukan ng selebrasyon ng Women’s Month ang nakatakdang isagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng programa nito sa Women in Sports and Sports for All sa susunod na tatlong buwan ngayong 2016.

Sinabi ni PSC Women In Sports and Sports for All coordinator Atty. Ma. Fe “Jay” Alano na nakahanda na ang lahat para sa programa para sa kababaihan sa buong bansa na itinataguyod ng ahensiya sa pamumuno ni Commissioner Gillian Akiko Thompson-Guevara.

Nauna nang naisagawa ang Inter-Government Agency Workshop Seminar noong Enero 18 sa Tagaytay City at ang PhilSpada Financial Planning Seminar noong Enero 19 gayundin ang 5thInter-Government Agency Female Employees sportfest meeting sa RMSC.

Isasagawa naman sa Pebrero 1-7 ang Women in Sports Softball Tournament sa Iloilo City bago ang Women in Sports-Inter Government Agency Workshop Seminar sa Tagaytay City sa Pebrero 24 hanggang 27.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gaganapin sa Marso 6 ang PCW Nationwide Streetdance and Women’s Program sa Quezon City habang isang programa ang gaganapin sa Marso 18 sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Ninoy Aquino Stadium.

Magkakaroon din ng Women’s Seminar kasama si Gabriella Mueller sa Davao City sa Marso 28-30.

Opisyal na gaganapin ang kick-off at opening ng 5th Inter government Agency Female Employees Sportsfest sa Ninoy Aquino Stadium sa Abril 1 habang isasagawa ang mga laro sa Abril 24 hanggang 29 sa Rizal Memorial Sports Complex.

Itinakda naman ang awarding sa Mayo 6 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang 3rd Women’s Festival of Martial Arts ay isasagawa naman sa Abril 23-24. (ANGIE OREDO)