Sa kabila ng outbreak ng Zika virus disease (ZVD) sa ilang bahagi ng America, sinabi ng United Nation World Tourism Organization (UNWTO) na hindi pa nito inirerekomenda ang paglabas ng anumang travel ban sa mga apektadong bansa.
“We would like to recall that based on available evidence, WHO (World Health Organization) does not recommend any travel or trade restrictions related to Zika virus disease,” pahayag ng UNWTO.
Gayunman, hinimok ng tourism promotion arm ng UN ang mga bansa na mayroong kumpirmadong kaso ng ZVD na regular na magbigay ng mga update kaugnay sa pagkalat ng sakit na dala ng lamok sa kanilang mga teritoryo upang ang mga manlalakbay ay makagawa ng mga kinakailangang paghahanda laban dito.
“It is important is to ensure quick and transparent information is provided to travelers as a precautionary measure and to avoid misinterpretations about the situation,” pahayag ng UNWTO.
“As advised by WHO, travellers should stay informed about Zika virus and other mosquito-borne diseases and consult their local health or travel authorities if they are concerned,” dagdag dito.
“As per the impact on tourism, it is too early to make any impact assessment considering the evolving nature of the situation,” ayon sa UNWTO. (Samuel Medenilla)