Naagaw ng unranked Filipino boxer na si Dexter Alimento ang WBC Youth minimumweight title sa kampeong si WBA No. 1 contender Chanachai CP Freshmart na biglang hinimatay sa 8th round ng kanilang laban kamakalawa ng gabi sa Chiang Rai, Thailand.

Naka-stretcher na dinala sa ospital ang walang malay na si CP Freshmart kaya idineklarang nagwagi sa 8th round technical knockout si Alimento.

“Chanachai CP Freshmart conceded his WBC Youth strawweight title in the most horrific manner.The unbeaten Thai collapsed in his corner after eight rounds of action versus Dexter Alimento in their scheduled 10-round main event Friday afternoon in Chiang Rai, Thailand,” ayon sa ulat ng The Fight Nation. “A competitive fight ended with CP Freshmart unresponsive and carried out of the ring on a stretcher.”

Ito ang unang laban ng tubong Lanao del Sur na si Alimento sa ibang bansa at nakipagsabayan siya sa wala ring talong si CP Fresmart na pinaulanan niya ng matitinding uppercuts sa kabila ng pagiging agresibo ng Thai champion.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“CP Freshmart was ahead 77-75 on all three scorecards through eight rounds, but no longer mattered the moment he lost consciousness,” dagdag sa ulat.“His trainers frantically signaled for the ringside physician to tend to his needs, at which point the young strawweight was placed on a gurney and carried out of the ring and to a nearby hospital for emergency treatment.”

Napaganda ni Alimento, kilala sa bansag na “Iligan Cement,” ang kanyang rekord sa perpektong 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts, swamantalang bumagsak ang kartada ni CP Freshsmart sa 5-1-0 win-loss-draw na may 2 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)