INAKUSAHAN si Taryn Manning ng pananakit sa kanyang makeup artist na si Holly Hartman, ngunit iginiit ng Orange Is the New Black star na ilang buwan na silang walang komunikasyon ni Hartman.
Naglabas ng pahayag ang kampo ni Manning nitong Biyernes, matapos iulat ng TMZ noong Huwebes na naghain ng reklamo si Hartman laban sa aktres kaugnay sa pananakit nito sa kanya noong Nobyembre ng nakaraang taon. Sa dokumentong hawak ng TMZ, sinabi ni Hartman na sinuntok siya sa mukha ni Manning, 37, at winisikan ng Windex ang kanyang mga mata.
“The court has already denied the request by Ms. Hartman for a temporary restraining order,” sinabi ng abogado ni Manning sa Us. “The application for the order is suspect because Ms. Manning has had no contact with Ms. Hartman in many months due to Ms. Hartman’s actions against Ms. Manning which are currently under criminal investigation in multiple jurisdictions. These investigations have long predated these entirely fabricated allegations. Ms. Hartman is under investigation for stalking Ms. Manning and for theft and other crimes. It is clear that Ms. Hartman’s camp has leaked these allegations which were not available publicly to elevate her own position and obscure her own wrong doing.”
Ayon sa TMZ, nangyari ang sakitan ng dalawa sa apartment ni Manning sa New York City. Sinabi rin ni Hartman na nagkaroon din daw ng pagkakataon na sinigawan siya ni Manning at “Pick a knife. I’m wearing a white shirt, there will be a lot of blood. You will be famous for killing Taryn Manning.”
Inihain ni Hartman ang kanyang reklamo sa L.A.
Ayon naman sa abogado ni Manning, walang katotohanan ang mga paratang ni Hartman sa halip, ang makeup artist pa ang dapat imbestigahan at ireklamo sa pag-stalk sa aktres. (US Weekly)