Ricky-Sismundo-photo copy

Kapwa nakuha nina one-time world title challenger Jose Felix Jr. ng Mexico at RP No. 1 lightweight Ricky Sismundo ang timbang para sa kanilang sagupaan na magsisilbing main event ngayon sa Marriot Convention Center sa Burbank,California.

“Top Rank’s lightweight world title contender Jose “Josesito” Felix Jr. weighed in this afternoon at the Marriott Hotel in Burbank California,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Felix weighed in at 135.2 pounds and will face Ricky Sismundo from the Philippines who weighed 135 pounds.”

Isang malaking pagkakataon ang ibinigay ng Top Rank Inc. kay Sismundo dahil isa samga inaasahang magiging kampeong pandaigdig sa taong ito si Felix na natalo lamang sa puntos kay Costa Rican Bryan Vasquez sa kanilang sagupaan para sa interim WBA super featherweight belt noong Disyembre 20, 2014 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Mula nang matalo kay Vasquez, nagtala ng limang sunod na panalo si Felix kabilang na dating world rated Filipino boxer na si Ryan Sermona na napatulog niya sa 1st round kaya gusto niyang maging ikalawang biktimang Filipino si Sismundo.

Huling natalo naman sa 12-round unanimous decision si Sismundo kay Japanese Masayoshi Nakatani noong Mayo 7, 2014 para sa OPBF lightweight crown sa Osaka, Japan.

Pagkatapos nito,apat na beses nagwagi at minsang tumabla si Sismundo sa mga karibal na Hapones,Huli niyang tinalo si dating Japanese at OPBF lightweight champion Yoshitaka Kato noong Oktubre 12, 2015 sa Korakuen Hall sa Tokyo.

Kasalukuyang nakatala si Felix bilang No. 5 sa IBF at No. 7 sa WBO sa lightweight division kaya malaki ang mawawala sa kanya kapag natalo kay Sismundo.

May rekord si Felix na 32-1-1 win-loss-draw na may 25 pagwawagi sa knockouts samantalang si Sismundo ay may kartadang 30-8-2 win-loss-draw na may 13 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)