Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang naging pagsibak sa tungkulin kay Ombudsman Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio dahil sa serious dishonesty kaugnay ng pamemeke nito sa ilang dokumento.

Taong 2010 nang unang hinatulan ng Ombudsman ng guilty si Villa-Ignacio, ngunit hiniling ng huli na mabaligtad ang nasabing ruling.

Batay sa dalawang-pahinang resolusyon ng CA, na isinulat ni Associate Justice Myra Garcia-Fernandez at sinang-ayunan nina Associate Justices Fernanda Lampas Peralta at Francisco Acosta, nabigo umano ang dating opisyal na makapaglahad ng mga argumento na maaaring maging dahilan para baguhin ang naunang kautusan.

Nag-ugat ang kaso matapos matuklasang umaabot sa 113 ang mga pagliban ni Villa-Ignacio sa trabaho at 63 araw sa mga ito ay hindi deklaradong official leave.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakita rin sa record na ang secretary at anak ni Villa-Ignacio ay lumiban naman ng 166 na araw noong 2008.

(Beth Camia)