SMB VS Alasca_012916_EUS_9977 copy

Laro sa Miyerkules

Mall of Asia Arena

7 p.m. – San Miguel vs Alaska (Game 7)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pressure para tapusin ang serye nalipat na sa Beermen—Compton.

Matapos maipanalo ng San Miguel Beer ang huling nagdaang tatlong laban sa ginaganap na finals series matapos silang mabigo sa unang tatlong laro, naniniwala si Alaska coach Alex Compton na baligtad na ngayon ang kanilang sitwasyon ng Beermen sa pagsalang nila sa Game Seven ng 2016 PBA Philippine Cup na idaraos sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay.

“Now, I think the pressure is on them,”pahayag ni Compton sa naganap na post game interview pagkatapos ng Game Six ng serye na napanalunan ng SMB sa iskor na 110-89 para maihirit ang winner-take-all Game Seven.

“I don’t know how you guys see it, but the team you were all writing about that was expected to win a grand slam, now has to step up in Game Seven.”

“I actually think that we’re gonna have some fun next Wednesday, but that’s just me,”dagdag pa nito.

Ngunit iba ang paniniwala ng Beermen.

Katunayan, para kay dating league MVP Arwind Santos, mas mai-enjoy nila ang paglalaro sa Game Seven kumpara sa nakaraang tatlong laro ng finals series.

“Mas masaya kami ngayon kasi noon, kumbaga, tama lang ang paghinga namin; ngayon mas maluwag at komportable na,” ani Santos.“Kaya sa Game 7, ilalabas namin lahat ng nakatago pa namin sa baol.”

Nagmistulang salbabida na sumagip sa unti-unting pagkalunod ng kanilang team si Junemar Fajardo.

Habang tila isa siyang magnet na naakit lahat ng mga defenders na dumikit, nalibre naman at nabigyan ng pagkakataong makatira partikular sa 3-point arc sina Santos, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot simula noong Game Four.

“He’s opening it up for us shooters,” ani Lassiter na nagsalansan ng 17 sa kanynag kabuuang 26-puntos na output sa fourth quarter ng Game 6. “They have to collapse on him and it’s been helping us. I got some good looks.”

Nakapaglaro lamang noong Game Four si Fajardo makaraang ma-sideline sa unang tatlong laro ng finals dahil sa natamong injury sa kanyang kaliwang tuhod noong huling laro nila sa semifinals kontra Rain or Shine.

Nangako ang Beermen center na ibubuhos na nilang lahat sa Game Seven.

“Last game na ‘to kaya bigay todo na lahat,” ani Fajardo.“Di yung bonus ang maalala ng mga tao, kundi yung championship,” seryosong dagdag nito.

Para naman kay coach Leo Austria, nais nilang habulin at maisulat ang panibagong kasaysayan sa PBA.

“More than anything, yon ang pinaka-importante sa’min,” ani Austria. “Yung history.”

Wala pang koponan sa liga ang nakabangon matapos maiwan ng 0-3 sa isang best-of-7 series at nakapagtala ng apat na sunod na panalo upang makamit ang kampeonato.