TULUYAN nang mamamaalam sa ere ang programang iniwan ni German Moreno. Last Friday ay nag-last taping na ang Walang Tulugan With The Master Showman, nangangahulugan na hindi pinagbigyan ng GMA ang pakiusap ni John Nite at ni Nora Aunor na ipagpatuloy nila ang naturang programa.

Siyempre, malungkot ang lahat na involved sa nabanggit na programa. Bigla na lang daw kasing nagbaba ng memo ang management na last taping na nila ‘yun. Nakapag-tape as live na rin naman ng dalawang episode ang show.

Hindi na rin pumayag ang GMA sa hinihinging extension ng mga taga-Walang Tulugan hanggang sa makalipas muna ang 40 days ni Kuya Germs.

Sa last taping ng show ay present ang mga original host na sina Shalala, John Nite, Jackie-Lou Blanco at kasama pa rin sina Aster Amoyo, Regine Velasquez, at Pilita Corrales.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala namang iyakang nangyari sa last taping nila, ayon sa nakausap naming staff ng show. Wala raw silang idea kung may ipapalit na bagong programa.

Dagdag pa ng source, aware sila na nang pumanaw si German Moreno ay kasama na ring mawawala ang show.

“Sino ba naman ang makakayang gawin ang ginagawa ni Tito Germs? Kaya ba nilang mag-abono para sa mga anumang kakulangan sa show? Kaya rin ba nilang makiusap ng personal sa mga artista na guest sa show? Walang puwedeng pumalit sa kanya,” sey pa ng source namin. (Jimi Escala)