Gusto ni Mexican Juan Manuel Marquez na maging five-division world champion kaya malaki pa rin ang posibilidad na magharap sila ni dating pound-for-pound king Manny Pacquiao kung magwawagi ang Pinoy boxer sa Abril 9 laban sa hahamuning si WBO welterweight titlist Timothy Bradley sa Las Vegas, Nevada.

Sa panayam ni boxing writer na si Miguel Rivera ng BoxingScene.com,inamin ni Marquez na gusto pa niyang dalawang beses lumaban bago magretiro kaya may tune-up bout siya sa Mayo at puwedeng lumaban para sa welterweight title sa Setyembre bago magretiro.

Huling lumaban si Marquez noong Mayo 17, 2014 sa Inglewood, California kung saan tinalo niya sa puntos si interim WBO super lightweight titlist Mike Alvarado para matamo ang WBO International welterweight crown.Pero napinsala ang kanang tuhod ng 42-anyos na boksingero kaya kinailangan ang matagal na rehabilitasyon.

“That’s what I’d like [to do].Let’s see how things go.I want to fight in Mexico, maybe at Azteca Stadium or in the Mexico City Arena, but we have to see how things will go - but for now that’s what I want,” sabi ni Marquez sa ESPN Deportes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The knee is doing well. I think that in the coming days there might by some important news. That is my wish, to do two more fights. Let’s see if the body responds and gives me what I need,” dagdag ni Marquez. “I do not want to rush anything, but that is the idea that I have in mind to say goodbye to boxing after 30 years of being an amateur and a professional boxer.”

Sa kanyang huling laban, gusto ni Marquez na makakuha ng welterweight world championship kaya pinakamalaking laban kung magiging WBO 147 pounds beltholder si Pacquiao.

Patuloy na umiiwas si Marquez na humarap kay Pacquiao sa ikalimang pagkakataon matapos siyang magwagi sa kanilang huling laban noong Disyembre 8, 2012 sa pamamagitan ng 6th round knockout.

Lamang pa rin ang Filipino champ sa kanilang duwelo ng dalawang panalo matapos magtabla ang una nilang sagupaan.

Ang iba pang posibleng labanan ni Marquez sa kanyang huling laban bago magretiro ay sina IBF champion Kell Brook, WBA champion Keith Thurman at ang bagong WBC champion na si Danny Garcia. (Gilbert Espeña)