Umiinit ang sagutan nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos batikusin ng huli ang administrasyong Aquino

Sa tangkang pahinain ang vice presidential bid ng senador, sinabi ni Lacierda na posibleng magbalik ang tiwaling rehimeng Marcos kapag nanalo ang anak ng dating diktador sa halalan sa Mayo.

“In his father’s time, the problems were about corruption, ill-gotten wealth, stealing the people’s money, dictatorship. Does he want to remake the government and bring back the corrupt gov’t of Marcos past?” text ni Lacierda sa mga mamamahayag.

Ito ang naging reaksyon ni Lacierda matapos sabihin ni Marcos sa telebisyon na kailangan ng gobyerno ng makeover para maresolba ang hindi natatapos na problema ng bansa gaya ng kahirapan. (Genalyn Kabiling)

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa