Kinumpirma kahapon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na natupok ang mahigit 15 ektarya ng taniman sa Koronadal City dahil sa mainit na panahon sa nasabing lungsod sa South Cotabato.

Sinabi ni Fire Senior Insp. Reginald Legaste, ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Koronadal City, na apat na barangay ang apektado ng grass fire.

Ayon sa ulat, nasunog ang mga taniman sa mga barangay ng San Jose, Saravia, Sta Cruz, at Concepcion sa lungsod.

Sinabi pa sa ulat na nagsimula ang grass fire sa Purok Tinago, Purok Cadidang at Purok Supon sa Bgy. San Jose na mabilis na kumalat sa tatlong kalapit na barangay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinasabing ang pagkakaingin ng mga magsasaka ang pinagmulan ng grass fire.

Inabot ng halos walong oras ang grass fire sa Bgy. San Jose dahil naging pahirapan ang pag-akyat ng mga fire truck sa lugar.

Muling pinaalalahanan ng BFP Koronadal ang mamamayan na maging maingat upang maiwasan ang sunog, partikular na ngayong may El Niño sa bansa. (Fer Taboy)