SEOUL (AP) - Sinabi ng isang korte sa South Korea na ang pagkakalantad sa carcinogens sa isang Samsung chip factory ang naging dahilan ng pagkakaroon ng ovarian cancer ng isang manggagawa.

Ito ang unang pagkakataon na iniugnay ng isang korte sa South Korea ang ovarian cancer sa mga kemikal na nalalanghap ng mga gumagawa ng chip.

Sinabi ng Seoul Administrative Court noong Biyernes na nakitaan nito ng “significant causal relationship” ang sakit at ang toxic chemicals, kahit sa napakababang antas nito, dahil ang manggagawang si Lee Eun-joo ay nalantad sa carcinogens sa loob ng mahabang panahon.

Namatay si Lee noong 2012 matapos ang mahigit isang dekadang paglaban sa sakit.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina